Mahalaga ang Open Source o Free Software dahil ang ginagamit nating mga
programs sa ating computer ay kailangang malaya nating nagagamit. Kung
bumibili ka ng mga software mula sa lehitimong nagbebenta nito ang
software mong nabili ay hindi mo pa rin maaring ibigay sa iba para
magamit nila. Ngunit ang Free Software ay maaring mong ibigay sa iba,
suriin para baguhin, o kaya ay gamitin naaayon sa iyong pangagailangan.
Kaya naman maraming developers sa buong mundo ang nagbibigay ng kanilang
talino at panahon para mapaunlad ang Open Source at Free Software. Sila
ay hindi binabayaran (ngunit ilan sa kanila ay empleyado ng mga kompanya
at organisasyon). Sila ay kusang gumagawa para mapabuti ang software sa
computer natin.
Parami ng parami ang gumagamit ng Free Software. Kung gumagamit ka ng
Firefox browser, ito ay produkto ng Mozilla na isang matagumpay na
kompanya ng Open Source. Ako ay gumagamit ng Linux. Ang Linux ay isang
operating system na gaya ng Windows at Mac OS X ngunit ito ay libreng
i-download at gawa ng mga developers sa buong mundo nang walang bayad.
Dahil libre ang Linux, hindi mo kailangang kopyahin ito ng ilegal. Hindi
mo kailangang nakawin sa may ari na tulad ng Windows XP mula sa Microsoft.

Comments