tag-araw,
sa may dagat namasyal
at pagdilim
sa may baybay humimlay
at nagyakap
sabay sa pagsabog ng alon
sabay sa paghuni ng ibon
saksi ay liwanag ng buwan
di ba't sabi mo pa na wala pang iba
na ako ang una sa pagmamahal mo sinta
at ang buhay nating dalawa ay nagbunga
ng makulay na pag-ibig na dakila
ngunit bakit ngayong umuugong ang hangin at ulan
sinlamig ng gabi ang mga halik mo
ni wala nang apoy ang titig mo sa akin
naglaho ba ang pagmamahal mo sinta?
at sa habang-buhay tayo'y magsasama
nakamtan ko ang pagmamahal mo sinta
ngunit bakit sa tag-ulan ay naglaho
Comments